Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang produktong petrolyo.
Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P2.50 na dagdag sa kada litro ng gasolina.
Habang mayroong P12.50 naman na pagtaas sa kada litro ng diesel at ang kerosene ay mayroong P2.00 sa kada litro ang pagtaas.
--Ads--
Mula ng isara ang Strait of Hormuz ay nakakaranas ng pandaigdigang pagtaas sa presyo ng langis.
Tiniyak naman ng gobyerno na mayroong suplay ng langis ang bansa na tatagal ng hanggang 50 araw.










