Hinimok ni Rev. Father Manuel S. Bravo Jr. ang Parish Priest ng St. John The Evangelist Cathedral sa Dagupan na ipagpatuloy ang disiplina ngayong papalapit na ang Holy Week o Semana Santa.
Binubuo ang mga disiplinang ito gaya ng pag-aayuno, pagdarasal, at pagkakawanggawa.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga gawaing ito bilang pagpapakita ng pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan.
Aniya na ang pag-aayuno ay nararapat na magbunga ng pagkakawanggawa sa kapwa, habang ang pagdarasal ay dapat isagawa nang taimtim.
Sa panahon ng Kwaresma, hinikayat niya ang lahat na ipanalangin ang pagtatapos ng digmaan sa Gitnang Silangan, kung saan maraming inosenteng mamamayan ang apektado.
Idinagdag pa ng pari na ang pagkakawanggawa sa mga mahihirap ay isa ring mahalagang disiplina sa Kwaresma.
Samantala, ibinahagi naman nito ang mga aktibidad para sa semana santa sa kanilang parokya na sisimulan sa March 31 na magtatapos hanggang sa linggo ng pagkabuhay.









