Dagupan City – Ipinagpatuloy ng PNP Binmaley ang kanilang Barangay Visitation Program bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.
Layunin ng aktibidad na patatagin ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan at hikayatin ang aktibong partisipasyon ng bawat isa sa pagpapanatili ng seguridad sa barangay.
Sa isinagawang pagbisita, personal na nakipag-ugnayan ang mga pulis sa mga opisyal ng barangay at mga residente upang talakayin ang mga usaping pangkapayapaan, kriminalidad, at iba pang alalahanin ng komunidad.
--Ads--
Binigyang-diin na ang tunay na seguridad ay hindi lamang responsibilidad ng kapulisan kundi isang sama-samang tungkulin ng buong pamayanan.










