Dagupan City – Tampok sa LGU Binmaley Sportsfest 2026 ang paligsahan sa pickleball na nagbigay ng pagkakataon sa mga kawani ng pamahalaang bayan na ipamalas ang kanilang husay, estratehiya, at pagiging mapagkumpitensya sa larangan ng palakasan.
Layunin ng aktibidad na higit pa sa pagpapakita ng kakayahan sa laro ay maitaguyod din ang disiplina, patas na paglalaro, at paggalang sa kapwa kalahok.
Nagsilbi rin ang paligsahan bilang pagkakataon upang mapalakas ang samahan at ugnayan ng mga kawani sa pamamagitan ng isang gawaing nagtataguyod ng aktibong pamumuhay at pagkakaisa.
Sa pamamagitan ng pickleball competition, naipamalas ng mga kalahok ang sigla, determinasyon, at diwa ng sportsmanship na bahagi ng pagdiriwang ng LGU Binmaley Sportsfest 2026.










