Isang lalaki ang binaril ng mga agents ng United States Secret Service matapos nitong tangkain pasukin ang Mar-a-Lago residence ni US Pres. Donald Trump sa Florida.

Aramado ang 20 anyos na lalaki ng isang shotgun at fuel can at nangyari ang pamamaril bandang 1:30 AM ng linggo, oras sa Amerika.

Gayunpaman, wala sa nasabing lugar si Trump sa oras na iyon at ito ay nasa Washington, D.C.

--Ads--

Wala rin sa sinumang nasa ilalim ng Secret Service protection ang nasa Mar-a-Lago residence.

Kinumpronta pa umano ng mga agents at isang deputy mula Palm Beach County Sherrif’s Office ang hindi pa pinapakilalang indibidwal nang lumapit ito sa north gate ng nasabing resort.

Iniimbestigahan pa ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang pagkakakilanlan nito at ang maaaring motibo nito.