Hindi na umano ikagugulat ang muling pagbagsak ng Pilipinas sa ranking ng Corruption Perception Index (CPI).

Ito ang naging pahayag ni Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan.

Ayon kay Yusingco, ang pagbaba ng ranggo ng bansa ay repleksyon ng samu’t saring isyu ng katiwalian, kabilang na ang mga usapin sa flood control projects at confidential funds.

--Ads--

Aniya, ang mga kontrobersiyang ito ay may malaking epekto sa pananaw ng international community hinggil sa antas ng korapsyon sa Pilipinas.

Gayunman, inilarawan niya ang sitwasyon bilang labis na nakakalungkot at nakakadismaya.

Aniya, tila laganap o “kalat na kalat” ang korapsyon sa sa bansa.

Dagdag pa niya, isa itong masakit na realidad para sa mga mamamayan na tila walang magawa, lalo na kung ang mismong sistema ay hindi agarang nakapagbibigay ng epektibong solusyon laban sa katiwalian.

Gayunman, posibleng may pag asa pang mabago ang pigura ngunit nasa kamay na ng botante dahil kung ang mga dynastic candidate parin ang iboboto ay walang asahang pagbabago.