Kinuwestiyon ni House Prosecutor at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon ang paglalarawan ni Vice President Sara Duterte sa kanyang pamumuhay bilang simple, kasunod ng pagtalakay sa malalaking credit card transactions nito sa impeachment trial nitong Biyernes.
Ayon kay Ridon, umaabot sa mahigit p200,000 ang ilang gastusin sa pamimili at pagkain sa Japan.
Biro pa niya, ngayon lamang niya nalaman na maaaring umabot sa ganoong halaga ang pagkain gaya ng tuna sashimi at California maki.
Iniugnay ni Ridon ang mga pagbiling ito sa pahayag ni Duterte tungkol sa kanyang no-gift policy, na ginamit nito sa pagtanggi sa mga alegasyon ni Rodulfo Gracioso Jr., na umano’y naghatid ng mga maleta na puno ng pera sa Bise Presidente.
Giit ni Ridon, ipinakikita ng mga transaksyon na maaari umanong gumamit si Duterte ng credit card sa halip na tumanggap ng mga regalo.










