Dagupan City – Posible ang Political Issues sa bansa kaya hindi pa rin naibabalik sa dating taripa ang bigas sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya.
Aniya, maaari kasi nitong maapektuhan ang desisyo lalo na’t sa nakikita ngayon ay medyo hindi popular ang pangulo gayundin ang epekto nito sa inflation rate.
--Ads--
Sa kabila nito umaasa at nanananawagan naman si So na ibalik na sa 35% ang dating taripa para na rin sa kapakanan ng mga lokal na magsasaka.










