Inaresto ng mga tauhan ng Rosales Municipal Police Station ang isang lola sa ikinasang Buy-Bust operation sa bayan ng Rosales.
Nangyari ito pasado alas dos ng hapon kahapon sa Brgy. Zone 2 sa nasabing bayan.
Kinilala ang suspek na isang 79-anyos balo, vendor, at residente sa ayan.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 6.28 grams, na may tinatayang halaga na ₱42,704.00.
Bukod pa rito, nakuha rin sa operasyon ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱200 at boodle money na nagkakahalaga ng ₱800.
Isinagawa ito sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Region 1 para maisakatuparan ang operasyon.
Nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang mga ebidensya at suspek ay kasalukuyan nang nasa kustodiya ng kapulisan para sa tamang disposisyon.