Dagupan City – Naaresto ang isang 26-anyos na lalaki na residente sa bayan ng Manaoag matapos masangkot sa pagnanakaw ng isang tricycle na ibenenta sa halagang 3,000.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan sa bayan na natuklasan ng may-ari ng tricycle na isang 40-anyos na lalaki, isang karpentero na residente sa bayan ng Santa Barbara na nawawala ang tricycle nito na nakapark nang walang bantay sa harap ng kanilang baraks sa bayan ng madaling araw.
Napag-alaman dito na batay sa pagsisiyasat ng kapulisan naibinenta na ng suspek sa isang junkshop ang sasakyan.
Nabatid ng biktima ang transaksyon sa tulong ng isang informante, kung kaya’t agad siyang humingi ng tulong sa mga barangay tanod kaya nahuli ng awtoridad ang suspek at narekober ang tricycle.
Samantala, kasalukuyan nang nakakulong ang suspek habang hinihintay ang legal na proseso.
Pinapaalalahanan ng mga awtoridad ang mga may-ari ng sasakyan na siguruhing ligtas ang kanilang ari-arian at agad na magreport ng mga kahina-hinalang gawain