Nilinaw ni Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chair Panfilo Lacson na hindi naimbitahan si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan upang dumalo sa pagdinig hinggil sa anomalya sa flood control project.

Ito ay kasunod ng pagkakadawit ni Bonoan sa umano’y negosyo ng kanyang pamilya na konektado sa isang contractor.

Ayon kay Lacson, ang unang pagtutuunan ng pansin ng Senate panel ay ang mga contractor gaya nina Sarah at Curlee Discaya, pati na rin ang mga inhinyero ng DPWH.

--Ads--

Sinabi rin ni Lacson na isasailalim sa background check ang buong staff ng Blue Ribbon Committee matapos lumabas ang alegasyon na isang empleyado ang sangkot sa maanomalyang proyekto.