Mahigpit na mino-monitor ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng San Nicolas ang kondisyon ng Villa Verde Road dahil sa pagguho ng lupa sa lugar.

Ayon kay Shallom Balolong, MDRRMO Officer ng San Nicolas, nananatiling sarado ang nasabing lansangan kasunod ng landslide at batay na rin sa rekomendasyon ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Patuloy ang clearing operations sa lugar upang alisin ang mga debris at iba pang materyales na nakaharang sa kalsada. Gayunman, sinabi ng MDRRMO na nananatiling delikado ang lugar para sa mga motorista kaya hindi pa pinapayagang dumaan ang mga sasakyan.

--Ads--

Samantala, tinututukan din ng San Nicolas MDRRMO ang sitwasyon sa Santa Fe, Nueva Vizcaya, kung saan iniulat ang isang malaking landslide na nagresulta sa pagiging hindi madaanan ng bahagi ng Pangasinan-Nueva Vizcaya Highway.