Naniniwala ang political science professor na si Prof. Antonio Contreras na makailang-ulit nang lumabag si Senator Robin Padilla sa mga panuntunan ng Senate Impeachment Court, partikular sa Rule 18 o ang sub judice rule.
Ayon kay Contreras, naging madalas ang paglabag ng senador sa nakalipas na mga araw ng pag-usad ng impeachment trial.
Inihalimbawa ng propesor ang ginawa ni Padilla noong Agosto 27 kung saan itinuring niyang labis na out of line ang linya ng pagtatanong nito ukol sa paggamit ng alyas ng mga bayani kumpara sa paggamit ng alyas ng mga tumanggap ng confidential funds, dalawang bagay na hindi umano pwedeng ikumpara sa tamang konteksto.Gamitin Ang Kalendaryo
Idinagdag pa ng dalubhasa na nagmumukhang theater of the absurd ang interpellation ng senador at hindi na matukoy kung nais ba nitong magpatawa o maging romantiko sa gitna ng seryosong paglilitis.
Dahil dito, nanawagan si Contreras sa impeachment court na aksyunan ang naturang gawi.
Aniya, kailangang maging mas mahigpit ang presiding judge na si Sen. Chiz Escudero at gamitin ang kaniyang kapangyarihang ideklara bilang out of order ang sinumang senator-judge kapag hindi na akma ang sinasabi o ginagawa nito sa korte.
Nakatakdang ipatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga water detention facility at iba pang proyekto para mabawasan ang matinding pagbaha sa Parañaque City.
Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, kabilang ang mga ito sa malawakang flood management program ng pamahalaan para sa Metro Manila.
Nakuha rin ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan ang garantiya ni Dizon na matutuloy na ang matagal nang nakabinbing Parañaque Spillway Project.
Sinabi ni Dizon na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DPWH na unahin at simulan ang proyekto, na itinuturing na pangmatagalang solusyon sa pagbaha sa southern Metro Manila, Laguna at Cavite.
Nagpahayag naman ng pangamba si Yamsuan na maaaring lumala ang pagbaha sa Parañaque kapag natapos ang ilang flood control projects na maaaring magpalipat ng malaking volume ng tubig patungong Laguna de Bay.
Samantala, sinabi ni Dizon na hindi na sapat ang simpleng dredging at paglilinis ng mga daluyan ng tubig.
Kabilang sa mga pinag-aaralan ang underground water detention basins sa mga bakanteng lugar, parke, basketball court at iba pang open spaces upang pansamantalang maimbak ang tubig-ulan.
Ayon kay Dizon, magiging hamon sa mga proyekto ang right-of-way, lalo na sa mga










