Isang indibidwal ang nasawi at hindi bababa sa anim naman ang dinala sa ospital matapos magkaroon ng isang mass stabbing incident sa isang Indigenous community sa central Canada.

Ayon sa Federal Police, naganap ang pananaksak sa Hollow Water First Nation sa North Manitoba, Winnipeg.

Kinumpirma ng Royal Canadian Mounted Police ang mga nasabing bilang ng nasawing biktima at mga sugatan na biktima.

--Ads--

Kinumpirma rin nila na maging ang suspek ay nasawi.

Patuloy pang nangangalap ng impormasyon ang mga imbestigador upang malamn ang eksaktong pangyayari.