Mga kabombo! Nakakita ka o nakapanood ka na ba ng corgi racing competition kung saan nag-uunahan ang mga cute na cute na dog breed na corgi?

Hindi bababa sa 120 na mga grupo mula sa iba’t ibang panig ng Europe ang nakilahok sa Corgi Race Vilnius, sa kapital ng Lithuania.

Ang Corgi Race Vilnius ay isang 2-day event kung saan nagtatagisan ng bilis, talino, ganda ng costume, at pinakamatinding boses ang mga Welsh Pembroke at Cardigan corgis.

--Ads--

Nitong linggo lamang nagtapos ang kaganapan.

Nagwagi sa costume contest ang corgi na si Amigo kung saan nanguna ang kaniyang factory-themed costume. Habang ang ibang mga kalahok ay nakasuot bilang prinsesa, batman, at maging isang eroplano.

Inuwi naman ni Mango ang kampyeonato sa solo race.