Dagupan City – Nasawi ang angkas ng kulong-kulong habang nasugatan naman ang drayber nito na isang barangay Kagawad sa bayan natividad matapos mabangga ng kotse.

Ayon sa ulat ng kapulisan, na nangyari ito sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Rizal nang biglang nakuha ng kotse ang sa linya ng kulong-kulong kaya nagresulta sa banggaan.

Nahulog at tumilapon sa daan ang mga sakay ng kulong-kulong at nagkaroon ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

--Ads--

Matapos ang aksidente ay agad dinala sa pagamutan ang mga biktima ng mga rumesponde ngunit idineklarang dead on arrival ang angkas ng nito habang inoobserbahan naman ang lagay ng barangay kagawad.

Samantala, kumaripas naman ng takbo ang kotse nang mangyari ang aksidente kung saan nadawit muli sa aksidente ng dalawang sasakyan sa bayan ng tayug.

Dahil sa nangyari ay naaresto ang drayber ng Tayug PNP na agad ipinasakamau sa Natividad PNP para sa tamang disposisyon.

Nahaharap ngayon sa kaukulang kaso ang drayber kung saan lumalabas sa imbestigasyon na lasing o nakainom ng alak nang maganap ang aksidente.