DAGUPAN CITY- Hindi na umaabot pa ng higit 1 ft ang baha na naitala ng Local Disaster Risk Reduction Management Office- Lingayen sa ilang lugar ng kanilang bayan ngayon nakakaranas ng pag-ulan dulot ng bagyong Crising.

Ayon kay Edlino Gregorio, Radio Operator on Duty ng LDRRMO-Lingayen, walang mataas na pagbaha sa kanilang lugar at ‘passable’ pa rin ang mga kakalsadahan.

Aniya, nagkaroon man ng pagtaas ng lebel ng katubigan sa mga ilog subalit ay dulot naman ito ng high tide.

--Ads--

Sa kabuoan ay nasa maayos na kalagayan ang kanilang bayan at nakakaranas lamang ng pasulpot-sulpot na pag-ulan.

Ani Gregorio, hindi rin kalakasan ang mga pag-ulan na kanilang nararanasan.