DAGUPAN CITY – Hindi bababa sa 110 Palestino ang nasawi sa mga pag-atake ng mga puwersang Israeli sa Gaza.

Kabilang sa mga biktima ang 34 katao na naghihintay ng ayuda sa pagkain sa United States-backed Gaza Humanitarian Foundation (GHF) sa katimugang bahagi ng Rafah.

Naganap ang pag atake habang natigil ang pag-usad ng mga usapang tigil-putukan sa Qatar at dumarami ang pagkondena sa planong puwersahang pagpapalikas ng buong populasyon ng Gaza na isinusulong ng Israel.

--Ads--

Ikinuwento ng mga nakaligtas at mga saksi na direktang pinaputukan ng mga puwersang Israeli ang mga Palestino sa lugar ng al-Shakoush, sa harapan ng isa sa mga pasilidad ng GHF.

Kinondena ito ng United Nations at iba’t ibang grupong pangkarapatang pantao