DAGUPAN CITY- Pinaghahandaan na ng Spain ang banta ng matinding init ng panahon dulot ng pagpasok ng summer season.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Eva Tinaza, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, sa tuwing sumasapit ang panahon na ito ay umaabot sa higit 45°C.

Dahilan upang makapagtala ang kanilang lugar ng mga sunog dulot ng matinding init ng panahon at pagtaas ng kaso ng mga heat-related incidents.

--Ads--

Gayunpaman, hindi lamang umano sa bansang Spain ito nararanasan kundi maging sa buong Europa.

Kaya sa kanilang bansa, bago pa lamang pumasok ang tag-init ay kanilang pinaghahandaan na ito.

At sa tuwing panahon na nito, parati ang kanilang pagdala ng malamig na tubig at pagbabasa ng towel at inilalagay ito sa kanilang dibdib upang mapawi ang mainit na nararamdaman.

Ilan naman ay iniiwasan ang maiinit na lugar at pumupunta sa beach.

Sinabi naman ni Tinaza na hindi kilala ang Spain sa paggamit ng payong kahit pa sa matinding init ng panahon.

Samantala, nagsisimula umano sa huling linggo ng June ang summer season sa kanilang bansa at nagtatapos ito sa Setyembre, kung saan nag uumpisa na ang paglamig ng panahon o winter season.