DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Mahilig ka ba sa mga usaping may kinalaman sa kalawakan?

Paano kung malaman mong may isang bahay na natamaan ng isang kakaibang bagay galing sa space.

Isang maliwanag na apoy o fireball kasi ang namataan sa kalangitan ng Georgia at kinilala ito ng mga eksperto bilang isang malaking meteor na kalauna’y bumagsak sa bubong ng isang bahay.

--Ads--

Ayon sa ulat, nakita ang meteor ilang sandali at naiulat din ang mga sightings mula pa sa Tennessee at Carolinas.

Tinukoy ito ng American Meteor Society bilang isang bolide, isang uri ng malaking meteor na sobrang liwanag at madalas may kasamang sonic boom habang bumabagsak.

Kumpirmado din ng mga eksperto na isang bahagi ng meteorite ang tumama sa isang bahay sa McDonough, Georgia, at nagbutas ng bubong.

Sa kabutihang-palad ay walang nasaktan sa insidente.