DAGUPAN CITY- Ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), 20% ng mga pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom mula Pebrero hanggang Abril ngayong taon.
Isinagawa ang survey mula Abril 23 hanggang 28 at ipinakita nitong bahagyang tumaas ang hunger rate mula 19.1% sa naunang survey noong Abril 11–15.
Gayunpaman, mas mababa pa rin ito ng pitong puntos kumpara sa 27.2% na naitala noong Marso.
--Ads--
Naitala ang pinakamataas ang gutom sa Mindanao (26.3%), kasunod ang Metro Manila (20.3%), Visayas (19.7%), at Luzon (17%).
Mas laganap din ang gutom sa mahihirap na pamilya (25.9%) kumpara sa hindi mahihirap (14.1%).