Dagupan City – Mas Lalo pang titiyakin ng Pangasinan State University ang pagtutok ng kanilang unibersidad sa mga estudyante pagdating sa kanilang pag-aaral matapos na manguna bilang rank 1 ang kanilang estudyante sa June 2025 architecture licensure examination na si Arch. King Nixon Castro Mabanta.
Ayon kay Arch. Jumar Balicao ang siyang Fabrication lab Manager ng Architecture Department sa Pangasinan State University, Urdaneta City campus na simula umpisa ay siniguro na nila ang buong suporta na pagbibigay ng learnings sa kanilang mag-aaral at anya na malakaing karangalan ito para sa kanilang departmento lalong Lalo na para sa mga estudyante na gusto rin kumuha ng kursong arkitektura sa bansa. Aniya na sa ngayon ay mayroon na rin silang 400 enrolles subalit ang target lamang nila ay nasa 80 .
Bukod dito anya ay nakikita rin nila ang sipag at determinasyon ng kanilang mga estudyante sa kanilang pag-aaral lalong Lalo na ang kagustuhan nila na makapasa at maabot ang kanilang pangarap. Kaya naman kanilang tinitiyak ang magandang kinabukasan ng mga mag-aarala sa kanilang paaralan. Malaking tulong naman dito ang pangunguna rin ng kanilang mga estudyante at unibersidad sa iba’t ibang licensure examination.
Siniguro rin nila ang sapat na kagamitan sa kanilang departamento para sa pangangailangan ng mga estudyante.