Nagdudulot ng pangamba sa kaligtasan ng mga residente at magsasaka ang mga basurang nagkalat sa gilid ng mga kalsada sa Barangay Buenlag, Mangaldan, Pangasinan. Bukod sa maruming kapaligiran, kabilang sa mga nakikitang panganib ang mga bubog na maaaring makasugat sa mga dumaraan sa lugar.
‎
‎Ayon kay brgy Kagawad Dante Soriano, ikinababahala ng mga opisyal ng barangay ang patuloy na pagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar. Aniya, nagpapakita ito ng kawalan ng konsiderasyon sa kaligtasan ng ibang mamamayan na gumagamit ng mga kalsada.
‎
‎Ikinabahala rin niya na Posibleng masugatan ang mga residente at magsasakang naglalakad o dumaraan sa mga bahaging may kalat na bubog, lalo na kung hindi agad ito malilinis. Maaari ring lumala ang problema kung magpapatuloy ang pagtatapon ng basura sa mga gilid ng kalsada.
‎
‎Sa gitna nito, pinag uusapan na rn umano ito ng pamunuan ng baranga para maisaayos ang nasabing problema isa sa kinokonsidera ay ang paglalagay ng mga actove na cctv camera para matukoy kung sino sino ang mga nananamantala sa oagtatapon ng basura sa nasabing kalsada.