Isa na namang matinding hamon ang kinakaharap ng mga drayber at mamamayan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Ayon kay Mar Valbuena- Presidente ng MANIBELA umaabot sa P300 ang nababawas sa kanilang kita kada araw kung saan isang malaking kabawasan ito lalo na sa panahong mataas ang halaga ng mga pangunahing bilihin.
Batay sa ulat ng Department of Energy (DOE), may buffer supply lamang ang bansa na tumatagal ng 15 araw, kaya’t mabilis na nararamdaman ang epekto ng pandaigdigang paggalaw ng presyo ng langis.
Kaya’t panawagan nito na bakit hindi dagdagan ang buffer habang mababa pa ang presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Nanawagan naman sila na masusing pag-aralan at i-audit ang sistema ng pag-angkat ng produktong petrolyo, upang malinawan ang publiko kung paano nabubuo ang presyo at kung bakit umaabot agad sa P5 kada litro ang pagtaas.
Hiling rin nila na sana ay hindi na lumala pa ang tensyon sa Gitnang Silangan, na maaaring magdulot ng mas mataas pang presyo sa pandaigdigang merkado.
Aniya na may domino effect ang pagtaas ng petrolyo dahil lahat ng pangunahing bilihin mula sa pagkain, transportasyon, at serbisyoay tumataas din ang halaga.
Dahil dito, nananawagan siya sa mga ahensya ng gobyerno na pag-aralan at paghandaan ang mga contingency plan upang mapagaan ang epekto ng krisis.