Mga kabombo! Ano ang kaya mong gawin para lamang makatakas sa batas?

Kaya mo bang gumamit ng kahit ano para lamang hindi maharap ang iyung mga pagkakasala?

Isang insidente kasi ang gumulantang sa bayan ng Cervera, Catalonia sa bansang Spain matapos magsagawa ng hindi inaasahang pag-atake ang isang 70-anyos na beekeeper laban sa mga pulis na pumara sa kanya.

--Ads--

Ayon sa ulat, ito’y nagsimula nang mapansin ng mga pulis na hindi nakasuot ng seatbelt ang matanda habang nagmamaneho ng van.

Ngunut imbis na makipag-cooperate, nagbanta umano ang matanda at sinabing dapat daw ay binangga na lang niya ang mga pulis.

Hanggang sa hiniling na ng mga pulis na sumailalim siya sa breathalyzer test dahil pinaghinalaan itong lasing.

Dito na nagpositibo ang beekeeper, tinangka pa umanong ulitin ang test, ngunit bago pa man mangyari ulit ito ay doon na niya pinakawalan ang dala niyang mga bubuyog mula sa likod ng kanyang van.

Agad sinugod ng mga bubuyog ang dalawang pulis na napilitang tumakbo at magtago sa isang restaurant.

Sa kabila nito, humingi naman agad ng backup ang mga pulis at naaresto rin ang matanda.