DAGUPAN CITY- Mas pinaiigting ngayon ng Police regional office 1 ang kanilang kampanya at koordinasyon nila sa Philippine drug enforcement agency (PDEA) Region 1 kontra illegal na droga.
Ayon kay PBGen. Lou F. Evangelista , regional director ng PRO1 na base sa kanilang tala ay marami silang nahuhuli malalaki man o maliliit na nauugnay sa kaso ng illegal na droga kung saan ibig sabihin nito ang kanilang matagumpay na operasyon na isinasagawa at ang malaking ambag ng kumunidad pagdating sa information dissemination.
Anya na inatasan din nito ang bawat hepe ng mga station sa probinsya para sa palaging mobile patrolling at pagsasagawa ng kampanya kontra illegal na droga gayundin ang mga hakbang upang mapataas ang kamalayan ng publiko sa masamang epekto nito at kung ano ang kanilang mga dapat gawin kapag may Nakita sila.
Panawagan naman nito na mga nauugnay sa illegal na droga na mas mainam kung isurrender na lamang ang kanilang sarili sa mga kapulisan.