Pasok na sa ikalawang round ng 2026 Ningbo Open si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin niya si Diane Parry ng France sa score na 6-3, 6-1.
Tila nakabawi ang World number 20 na si Eala matapos ang maagang pagtatapos ng kampanya niya sa unang round ng Wuhan Open at ang pagkamit niya ng bronze medal sa 2026 Asian Games sa Japan.
--Ads--
Dominado ni Eala ang laro mula sa simula at hindi na pinaporma pa ang French tennis player sa laro na nagtapos ng isang oras at 17 minuto.
Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan nina Yulia Putintseva at Diana Shnaider.










