DAGUPAN CITY- Kinoronahan bilang Binibining Pilipinas International 2025 si Katrina Anne Johnson ng Davao Province, kung saan tinalo niya ang 35 kandidata.
Baguhan man sa national pageant scene, pinatunayan niyang kayang makipagsabayan sa mga beterana.
Siya ang kahalili ni Myrna Esguerra ng Abra, na lalaban sa Miss International 2025.
--Ads--
Si Johnson naman ay sasabak sa 2026 edition.
Samantala, Annabelle Mae McDonnell ng Iligan City ang nag-uwi ng Binibining Pilipinas Globe 2025 crown.
Itinanghal din bilang 1st Runner-up si Dalia Varde Khattab ng Las Piñas at 2nd Runner-up naman si Kathleen Enid Espenido ng Siargao.
Sa pagtatapos ng gabi, nagbigay ng emosyonal na farewell walk ang reigning 2024 queens.