DAGUPAN CITY- Sa nalalapit na paggunita ng Araw ng Kalayaan o Independece day sa June 12, importanteng pakatandaan na ang araw na ito ay ang pagkasilang ng malayang Pilipinas, ayon kay Eufemio Agbayani III, Historical Sites Researcher ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya, ito ang araw na nagmarka ng deklerasyon ng kalayaan ng mga Pilipino mula sa pananakop ng mga Amerikano sa loob ng 48 taon.
Ito aniya ang unang proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas na hindi patago kundi hayag na hayag sa publiko.
Karamihan naman sa mga pumirma sa proklamasyon ay mga sundalo.
Habang naging hiwalay na pagtitipon sa Bacoor ang pagpirma ng mga alkalde mula sa iba’t ibang lalawigan.
At sa pamamagitan ng diplomasya, nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong Hulyo 4, 1946.
Aniya, hindi lamang gaanong nalalaman ng karamihan na ang watawat ng Pilipinas na iwinagayway sa gitnang binta ng bahay ni Emilio Aguinaldo ay gawa ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) noong 1898 sa Hongkong.
Ito ay sina Marcela Mariño Agoncillo, ang kanyang anak na si Lorenza, at ang pamangkin ni Dr. Jose Rizal na si Delfina Herbosa de Natividad.
Samantala, saad ni Agbayani, malaki ang pinagkaiba ng kalayaan sa kalakuyan kumpara sa kasaysayan ng bansa dahil sa ngayon, malayang makakilos ang mga tao sa kung ano ang alam o pinaniniwalaan nilang tama.
Gayunpaman, katanungan pa rin kung ang bawat Pilipino ba ay kasalukuyang nakakamit ang kanilang kalayaan.
Naniniwala naman si Agbayani na kailangan tandaan ng mga kasalukuyang henerasyon na ang kalayaan ay hindi nakuha nang libre kundi ipinagpatayan ito ng mga bayani at patuloy pinoprotektahan.