DAGUPAN CITY- Muling nagpaalala si Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer IV ng Department of Health Region 1, sa mga maaaaring gawing hakbang upan makaiwas sa pagkakaroon ng Monkey Pox o MPOX.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kaniya, infectious na uri ng virus ang MPOX kaya nakadepende sa lebel ng immunity at kalusugan ng pasyente ang paggaling nito.

Aniya, maaari naman itong makahawa sa pamamagitan ng close at intimate contact, kabilang na dito ang paggamit ng personal na kagamitan ng pasyente tulad ng tuwalya at beddings.

--Ads--

Maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng respiratory droplets subalit, maliit na lamang ang tsansa nito.

Kaya inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng facemask habang nasa mataong lugar o malapit na nakikipag-usap sa infected upang makatutulong na makaiwas sa sakit.

Aniya, isa man nakakahawang sakit ang MPOX subalit maiiwasan naman ito kung mananatiling malinis sa katawan at paggamit ng facemask.