Nakuryente ang isang 36-anyos na construction worker habang nag-i-install ng roof trusses sa isang ginagawang bahay sa Barangay Luyan, Mapandan, Pangasinan, pasado alas-tres ng hapon.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, aksidenteng dumikit sa live electrical wire ang hawak na metal truss ng biktima habang ini-install ang mga bakal na bahagi ng bubong.
Dahil dito, nakuryente ang biktima at nagtamo ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
--Ads--
Agad siyang isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng Mapandan Ambulance sa pagamutan para sa kaukulang lunas.










