Binigyang-diin ng Agricultural Training Institute ang kahalagahan ng extension services sa paghahatid ng teknolohiya, impormasyon at iba pang suporta sa mga magsasaka at mangingisda.
Ayon kay Dr. Jayvee Bryan G. Carillo, Center Director ng ATI-RTC One, mahalagang papel ang ginagampanan ng extension workers bilang katuwang ng gobyerno sa pagdadala ng mga makabagong teknolohiya sa mga komunidad.
Hinimok din ng ATI ang mga farmers at fisherfolk na makipag-ugnayan sa kanilang mga lokal na pamahalaan at government agencies upang malaman ang mga programang maaari nilang mapakinabangan.
At higit sa pagtanggap lamang ng tulong, sinabi ni Carillo na layunin ng extension services na magkaroon ng kakayahan ang mga farmers at fisherfolk na maging mas independent at resilient sa kanilang kabuhayan.










