Nagsasagawa ang pamunuan ng Mangaldan National High School ng home visitation sa mga estudyanteng ilang araw nang hindi pumapasok sa klase, bilang bahagi ng kanilang hakbang upang matukoy ang dahilan ng pagliban at maiwasan ma-drop out sa pag-aaral.
Ayon kay Danilo Eden, Assistant School Principal ng Mangaldan National High School, binibigyan ng intervention ang mga estudyanteng nakikitang posibleng huminto sa pag-aaral. Kabilang dito ang pakikipag-ugnayan sa kanilang mga magulang at paghikayat na maibalik ang mga estudyante sa paaralan.
Layunin ng hakbang na matugunan agad ang mga kaso ng madalas o tuloy-tuloy na pagliban, lalo na sa mga estudyanteng itinuturing na nasa panganib na mag-drop out. Isinasagawa rin ang home visitation upang mas maunawaan ang kalagayan ng mga mag-aaral at matukoy ang nararapat na suporta mula sa paaralan at pamilya.
Iniuugnay ng paaralan ang hakbang sa pangangailangang mapababa ang bilang ng mga estudyanteng tuluyang humihinto sa pag-aaral, matapos makapagtala ng malaking bilang ng mga dropout noong nakaraang school year. Patuloy namang minomonitor ng pamunuan ang attendance ng mga estudyante upang agad na maaksyunan ang mga kaso ng matagal na pagliban.
Home Local News Home visitation, isinasagawa sa mga estudyanteng hindi na pumapasok sa Mangaldan NHS.










