Mga kabombo! Isang nakakakabang insidente ang naganap kamakailan nang ang isang alagang aso sa New Jersey ay nahulog sa nagyeyelong lawa matapos nitong habulin ang isang gansa.
Paano ba naman kasi nasobrahan sa pagiging playful at friendly ng isang aso na kinilalang si Taffy kaya’t habang naglalakad ito kasama ng kaniyang may-ari sa Veteran’s Park nang tumakbo ito patungo sa isang gansa, na naging dahilan para mawalan ng hawak ang may-ari sa tali ng aso.
Hinabol nito ang gansa papunta sa isang nagyeyelong lawa at nahulog sa manipis na yelo.
Mabuti na lamang at naroon si Patrolman Doug Centron, na nagsanay kasama ang Maritime Emergency Response Team, upang sagipin si Taffy.
Nagsuot ito ng espesyal na kagamitang pang-rescue at nakarating sa lawa upang iligtas si Taffy mula sa pagkakahulog sa lawa.
Matapos mailigtas ang aso ay kaagad namang tinakpan ng mga kumot at inilagay sa kotse upang magpainit.