Nasawi ang isang 67-anyos na lalaki na driver ng tricycle matapos banggain ng motorsiklong sakay ng 2 lasing na indibidwal.

Ayon kay Pcpl. Raian Buslon ang Duty Investigation Officer ng Alcala PNP na nangyari ito sa Barangay San Pedro Ili sa kahabaan ng Alcala-Carmen Road malapit sa Elementary School sa lugar.

Kinilala ang biktima na si Ramon Pega Barri, may-asa at sakay nito ang kanyang apo na nasa 7 years old habang ang driver ay kinilalang sina Raymond Gonzales Mercadel na siyang driver at si Abnir Ancheta Esteban na sakay nito kung saan pareho silang mga residente sa nasabing barangay.

--Ads--

Batay sa kanilang imbestigasyon na binabagtas ng dalawang sasakyan ang nasabing kalsadaa at nakita sa CCTV footage na ang may kasalanan ay ang matorsiklo.

Agad namang dinala sa Bayambang District Hospital ang mga biktima dahil nagtamo ang mga ito ng iba’t ibang sugat sa kanilang katawan ngunit malala ang naging tama sa ulo ng driver ng tricycle kaya inilipat ito sa malaking pagamutan sa bayan ng Camiling sa lalawigan ng tarlac ngunit kalaunan ay nasawi ito.

Samantala, nakalabas na sa ospital ang mga biktima at hindi naman aniya masyadong nasaktan ang menor de edad na sakay ng tricycle.

Kasalukuyan nang dinala sa prosecutors office ang driver ng motorsiklo upang hainan ng kaso na Reckless imprudent resulting to homicide and damage to property habang ang sakay nito ay napag-alamang may-ari ng motorsiklong nagamit kaya mahaharap ito sa kasong sibil.