DAGUPAN CITY- Bago pa dumating ang unang araw ng Chinese New Year ay labis na itong pinaghahandaan ng mga Tsino.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marlon De Guzman, Bombo International News Correspondent sa Hongkong, bago sumapit ang araw na ito ay nakasanayan na ang maagang pamamalengke at paglilinis, partikular na sa kanilang kabahayan.
Ani De Guzman, sa mismong selebrasyon naman ay hindi na mawawala ang pagtitipon-tipon ng mga pamilya at ang pagpapaputok ng fireworks.
Makikita din sa bawat sulok ang mga lanterns lalo na sa iba’t ibang gusali tulad ng mga restaurants.
Hindi rin magpapahuli aniya ang mga prutas at mga kilalang pagkain tulad ng Tikoy.
Samantala, tatlong araw naman nila itong pinagdiriwang kaya wala rin pasok sa mga paaralan at trabaho.
Ibinahagi naman ni De Guzman ang magandang kaugalian ng mga Tsino kung saan isinasabuhay ng mga ito ang pagtulong nang hindi humihingi ng kapalit.
Ito na rin ang sasalungat na hindi sila kuripot sa pera kundi, pinahahalagahan lamang ang pera.