DAGUPAN CITY- Ibinahagi ng ilang mga residente sa lungsod na Dagupan ang kanilang pagdiriwang sa kakatapos na kapaskuhan.
Ayon kay Rose Soriano, residente, sa carnival sa lungsod na lamang sila nakapagselebra ng kapaskuhan dahil duon din sila nagtatrabaho na mag-asawa.
Aniya, ngayon lamang sila nakapamasyal kasama ang kanilang anak dahil itong araw lamang sila libre.
--Ads--
Hiling naman ni Soriano sa susunod na taong 2025 na maging masaya at makaahon sa hirap.
Samantala, sa simbahan naman sinalubong nina Rhea Dela Cruz, residente, at ang kaniyang pamilya ang kapaskuhan.
Matapos nito ay natungo sila sa carnival upang magliwaliw.
Hiling naman niya para sa susunod na taon ay maging maayos at malusog ang kanilang pamilya.