DAGUPAN CITY- Bagsak sa kulungan ang isang 37 anyos na lalaki sa syudad ng Dagupan dahil sa kinakaharap nitong kasong panggagahasa.

Natimbog ang suspek sa Brgy. Poblacion Oeste matapos itong hainan ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court 1st Judicial Region sa nasabing lungsod.

Matapos ang pagkakaaresto sa suspek ay dinala ito sa kustodiya ng kapulisan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

--Ads--

Sa kinakaharap nitong kaso, wala itong inirerekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan.

Samantala, tiniyak naman ng mga kapulisan ang kanilang pagtutok sa naturang kaso at nagsasagawa na ng mga hakbang para masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.