Mga kabombo! Ano ang takeaway niyo kung malaman niyong isang social media user na pinakasalan ang kaniyang “stepdad”?
Oh no! Ito kasi ang nangyari sa isang babaeng residente sa Florida na kinilalang si Christy.
Ayon sa ulat, ipinost nito sa kaniyang social media platform ang tungkol sa kaniyang wedding na ginanap sa Las Vegas.
Sa short clip ay makikita si Christy na nakayakap ang mga binti at paa sa groom habang naghahalikan. Aakalain mong isang normal video ng isang newlyweds!
Ngunit ang nagpa-ingay sa video ay ang naka-attached na text kung saan may nakalagay na ikinasal daw umano ito sa “stepdad”
Matapos umani ng batikos at samo’t saring opinyon ang video, nilinaw ni Cristy na hindi siya na “groomed” ng kanyang “stepdad”. Dahil, hindi na siya menor-de-edad nung makilala niya ito, at hindi rin ito ang nagpalaki sa kanya. Wala itong anak sa kanyang ina.
Depensa pa nito, nakapag-usap na sila ng kanyang ina at maganda ang kanilang mother-and-daughter relationship.
Sa kabila ng paliwanag, inulan pa rin ng batikos si Cristy at dito na niya isiniwalat na kung bakit “stepdad” ang tawag niya sa asawa. Nagsimula silang mag-date para higit na makilala ang isa’t isa.
Marami sa kanyang mga kakilala ang nagsabing hindi sila magtatagal. Ani Cristy, plano lang talaga niya at ng kanyang husband na magpatawa kaya ang inilagay niya sa caption ng unang video ay pinakasalan niya ang kanyang “stepdad.”
Yun daw ang kanilang biruan kapag may nagtatanong kung magkaanu-ano sila at napag-uusapan ang kanilang age gap. Dagdag pa niya, hindi siya makapaniwala sa naging violent reactions ng netizens sa kanyang videos.