Dagupan City – Ipinakalat ng Pamahalaang Lokal ng Manaoag ang mga LGU Utility Personnel sa mga pangunahing kalsada at dinaanan ng prusisyon kahapon para sa Feast of the Our Lady of Manaoag.
Layunin ng deployment na panatilihin ang kalinisan at kaayusan bago, habang, at pagkatapos ng prusisyon ng libo-libong debotong dumalo.
Nanawagan din ang pamahalaang lokal sa lahat ng mga deboto at bisita na ipakita ang malasakit sa bayan sa pamamagitan ng hindi pagkakalat at tamang pagtatapon ng basura.
Ayon sa LGU, ang disiplina sa kapaligiran ay mahalagang bahagi ng tapat na pananampalataya at paglalakbay kasama ang Mahal na birhen.
Kasabay nito, inilagay rin sa mas mataas na antas ng kahandaan ang kapulisan, mga traffic enforcer, at emergency response teams upang tiyakin ang kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko sa paligid ng simbahan.
Nagsagawa ng mga kaukulang rerouting plan sa mga pampubliko at pribadong sasakyan upang maiwasan ang matinding trapiko sa mga pangunahing kalsada patungong Manaoag.










