Kabombo! Hanggang saaan aabot ang lakas ng bisekleta mo?
Baka rito mo makita ang lakas nito sa palayuan ng destinasyon! Pano ba naman kasi, ang isang 69 anyos na siklista ay nakuhang libutin ang kabuoan ng 25 bansa sakay ng kaniyang bisekleta.
Naitala ni Mark Herbst ang record ba @oldest person to circumnavigate by bicycle (male)@ kung saan nilibot niya ang nasabing bilang ng mga bansa sa loob ng 324 araw bago bumalik sa kaniyang starting point noong Nobyembre 27,2025.
Ayon kay Herbst, ang kaniyang mga naging inspirasyon ay ang maagang pagpanaw ng kaniyang asawang si Jackie sa edad na 55 dahil sa cancer at upang ipakita umano sa kaniyang mga kapwa seniors na ang lahat ay posible basta’t pahalagahan at ingatan ang kanilang kalusugan habang meron pa sila nito.
Kasabay nito, itinayo ni Herbst ang adbokasiya at pagmamahal sa yumaong asawa sa pamamagitan ng fundraiser journey sa ilalim ng Princess Margaret Cancer Foundation sa Canada na may adhikaing makalikom ng pondo para sa mga cancer patients at makapagbigay ng mas malawak na kaalaman patungkol sa laban sa cancer.
Bukod sa mga kagamitan sa kaniyang likuran at ang bisekletang kaniyang sinasakyan, sinisiguro ni Herbst na hindi lamang sya ang tumutupad sa pangarap nilang mag-asawa sa pamamagitan ng pagsasaboy ng abo ni Jackie sa mga lugar na gusto nilang bisitahin nang ito’y nabubuhay pa lamang bilang tanda sa kaniyang pangakong magpapatuloy siyia at lalago sa abot ng kaniyang makakaya.










