Dahil nga sa mainit balita hinggil sa issue ni Maris Racal at Anthony Jennings, isang brand ng beauty cosmetics ang piniling alisin ang actress at endorser bilang taga-promote ng kanilang product brand.

Ito’y matapos na masangkot si Maris Racal sa “messy breakup” ni Anthony Jennings at ng non-showbiz girlfriend nitong si Jamela Villanueva.

Ayon sa brand, tinapos na nila ang kanilang partnership sa aktres, ilang buwan pa lamang ang nakalilipas nang ilunsad si Maris bilang brand ambassador ng nasabing produkto.

--Ads--

Anila, hindi ito umano ito madaling gawin, ngunit kinakailangan dahil nais nilang mapanatili ang integridad ng kanilang produkto.
Sa kabila nito, nakiusap naman ang brand na sa kabila ng pagtapos ng kanilang partnership kay Maris, sana raw ay panatilihin pa rin ang “kindness and empathy” online.

Sa social media ng product brands, kapansin-pansin na wala na ang mga larawan ni Maris.

Matatandaan na umingay ang social media at naintriga ang mga netizens nang sunud-sunod na mag-post si Jamela Villanueva sa kanyang social media Story noong gabi ng December 3, 2024.

Ayon kay Jam, ginawa niya ito upang maipahayag ang masakit na saloobin na kanyang kinikimkim mula nang sila ay maghiwalay ni Anthony. Kung saan ay ipinakita rin niya ang screenshots na kanyang nakuha habang tulog umano ang dating live-in partner.

Lumalabas na nahuli ni Jamela ang palitan ng mga pribadong mensahe nina Anthony at Maris. Kasunod ito ng pag-amin ni Anthony na siya ang may kasalanan kung bakit naghiwalay sila ni Jamela.

Samantala, kinumpirma ni Maris ang breakup nila ni Rico noong Hulyo 2024 matapos ang 5-year-relationship, at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Maris at Anthony tungkol sa isyu.