BOMBO DAGUPAN – Hinihinalang problema sa pamilya ang isa sa dahilan ng pagkitil nito sa buhay ng isang 64 anyos na lalaki sa barangay Caingal, lungsod ng San Carlos.
Ayon kay Pcapt. Aldrin Tamayo, Operation Officer, ng San Carlos City PNP, ang biktima ay may live-in partner, at residente ng Brgy. Caingal,sa nasabing ciudad.
Ayon sa paunang imbestigasyon, pumunta ang kaibigan ng biktima sa kanyang tinitirhang nipa hut upang imbitahan itong uminom ng alak.
Pagdating sa lugar, natagpuan niya ang wala nang buhay na katawan ng biktima na nakabitin sa pahalang na kawayan ng nipa hut gamit ang stainless steel wire na nakatali sa kanyang leeg.
Napag alaman na nakipag usap daw ito sa kanyang kalive in partner at gusto na raw makipagbalikan pero ayaw na nito.
Bago ang insidente ay napansin na siyang malungkot dahil sa problema at madalas itong uminom ng alak.