Hindi bababa sa 20 ang nasawi matapos tumaob ang isang sasakyang pantubig sa Lake Kivu sa eastern Democratic Republic of Congo.

Mula sa bayan ng Minoca sa South Kivu ang naturang balsa at daan metro pa ang layo nito patungong sa Goma nang lumubog ito.

Hindi pa malinaw kung ilan ang kabuoang bilang ng sakay nito ngunit ayon sa mga nakaligtas ay maaaring hidi bababa sa 200 ang nakasakay.

--Ads--

Ayon naman sa local migration authority na nasa 45 kalalakihan at 35 kababaehan ang nakarehistrong pasahero nito.