DAGUPAN CITY – Isang senior citizen ang inirereklamo sa syudad ng San Carlos matapos halayin ang isang menor de edad.

Ito ay matapos na lumapit at nagsumbong sa San Carlos City PS ang isang nanay kasama ang kanyang anak na biktima hinggil sa panggagahasa umano ng kanilang kapitbahay.

Ayon kay PMaj. Gllen Dulay magkasunod na taon nangyari ang panghahalay kung saan naunang nangyari ang krimen taong 2022 at nasundan ito taong 2023.

--Ads--

Dagdag pa ni Dulay, batay sa pahayag ng biktima, sa tuwing makakasalubong nito ang suspek ay lagi umano itong gumagawa ng maseselang bagay sa kanyang harapan.

Ayon sa binigay na impormasyon ng biktima sa pulisya sa unang panghahalay, nag abot umano ang suspek ng 300 pesos sa dalagita. At sa sumunod na taon doon na nangyari ang pananakot matapos tutukan ng nasabing senior citizen ng patalim ang dalaga habang hinahalay niya ito.

Sa kasalukuyan, at large o hindi pa natutugis ang suspek na posibleng mahaharap sa kasong statutory rape kung saan ito ay non-bailable o walang kaukulang piyensa.

Paalala naman ng pulisya lalo na sa mga kabataan na laging mag-iingat at iwasan ang lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.