BOMBO DAGUPAN Walang napala ang taumbayan sa sagot ni Vice president Sara Duterte sa pagtatanong sa isinagawang pagdinig sa budget ng OVP.

Sa panayam ng bombo Radyo Dagupan kay Rep. France Castro, ng Alliance of Concerned Teachers Partylist dahil tumangging sumagot si VP Sara sa mga tanong kaugnay sa hinihinging budget ng OVP para sa 2025, kasama na ang issue sa confidential funds.

Sinabi ni Castro na binibigyan si VP Sara ng pagkakataon para masagot ang mga tanong at nang malaman ng taumbayan.

--Ads--

inukoy nito ang P125 million confidential funds noong 2022 na hindi maipaliwanag kung saan ginamit.

Sinabi nito na may personal knowledge si Duterte ang tungkol sa confidential funds dahil siya naman ang nag request, gumastios at nag liquidate sa nasabing halaga.

Dagdag pa ni Castro na bilang public officials ay mahalagang maging accountable sa mga ginagastos at ginagawa .

Matatandaan na nagkainitan sina VP Sara Duterte at Rep. France Castro budget hearingn matapos na kwestiyunin ni Castro kung paano ginamit ng OVP ang confidential funds noong 2022.