Dagupan City – Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) Asingan hinggil sa deadline ng voters registration para sa 2025 National at Local Elections.

Ayon kay Lenny Manangan-Masaoy, Election Officer III, hanggang September 30, 2024, na lang kasi ang registration sa Comelec, na ibinukas naman noong Pebrero nagbukas ang voters’ registration.

Kaugnay nito, batay sa pinakahuling datos ng COMELEC Asingan ay nasa 39,820 na ang bilang ng rehistradong botante sa bayan habang nasa 1,032 naman mula sa Satellite Registration.

--Ads--

Binigyang diin naman nito na napakadali lamang magparehistro, at tinatayang nasa 5 minuto ay matatapos na kaagad.

Samantala magtutungo naman dito sa lalawigan ng Pangasinan sa araw ng Martes si COMELEC Commissioner George Erwin Garcia upang magdaos ng ‘Voter Education and Registration Fair at Automated Counting Machine (ACM) Demostration sa Lyceum Northwestern University sa syudad ng Dagupan.