Dagupan City – Matapos ang ilang sunod na linggong rollbak, aasahan ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ang tinukoy batay sa pagtaya ng industriya base sa oil trading sa nakalipas na apat na araw.

Kung saan ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang presyo ng gasolina ay tataas ng mula P0.65 hanggang P0.90 kada litro.

--Ads--

Aasadah namang aabot sa P0.95 hanggang P1.10 kada litro ng taas sa diesel at P0.95 hanggang P1.10 kada litro sa kerosene.

Isa sa mga nakita nilang dahilan ay ang tensiyon na nagaganap sa Middle East.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Matatandaan na noong nakaraang Martes, August 13, 2024 ang presyo ng gasolina ay bumaba ng P2.45 kada litro, diesel ng P1.90, at kerosene ng P2.40.