BOMBO DAGUPAN – Naaresto ang isang lalaki sa bayan ng Villasis na nanghalay ng mismong pamangkin nito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pmaj. Edgar Allan Serquiña, Chief of police ng Villasis PNP, may warrant of arrest ang suspek kung saan nahaharap ito sa dalawang kaso – ang qualified rape na walang bail bond recommended at rape by sexual assault na may kaukulang bail bond recommended naman.

Pagbabahagi ni Pmaj.Serquiña na taong 2023 pa nangyari ang insidente at ngayon lamang nahuli ang suspek na kasalukuyan nang nakapiit habang hinihintay ang commitment order nito.

--Ads--

Kaugnay nito, nagtungo naman aniya ang kapatid ng suspek na ina ng biktima sa kanilang himpilan upang iurong ang demanda laban dito subalit hindi na saklaw ng kanilang himpilan ang pag-urong ng kaso.

Samantala, sa bayan naman ng Villasis iisa pa lamang ang naitatalang kaso ng rape ngayong taon at bumaba kung ikumpara sa nakaraang taon.