Dagupan City – Timbog ang pangatlong kaso ng High Value Individual sa syudad ng Dagupan sa ikinasang buy bust operation ng Dagupan City Police Station.
Ayon kay PLtCol. Brendon Palisoc, Chief of Police ng Dagupan City Police Station nahuli ang isang high value individual na babae na tubong Maynila at napag-alaman na sa Brgy. Bonuan Binloc nito isinasagawa ang illegal na transaksyon. Nasabat naman dito ang tinatayang nasa 55 grams ng shabu na may halagang P374,000. Aniya na sa halos 31 barangay sa syudad, ay nasa apat pa lamang ang naideklarang drug cleared na. Kinabibilangan naman ito ng Brgy. Tebeng, Pogo Grande, Mamalingling at Brgy. IV.
Kaugnay nito, ibinahagi naman ni Palisoc ang pakikipag-ugnayan nila sa mga line agencies, Dagupan Local Government Unit at mga barangay officials. Nakatakda ring magsagawa ng pangalawang conference meeting ngayong taon ang syudad upang mabuksan na ang
Balay Silangan facility na matatagpuan sa Brgy. Poblacion Oeste sa likuran ng National Bureu if Investigation.
Panawagan naman nito sa publiko, patuloy lamang umanong makipagtulungan sa kapulisan at iba pang line agencies sa ganitong Kontra-illegal na Droga para sa kapakanan ng bawat mamamayan.